Sabado, Pebrero 23, 2013

Aralin 3


Aralin 3
“Kinagisnang Balon”
Ni:Liwayway Arceo

May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak. 
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya. 
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. 
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya. 
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw. 
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya.. 
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,
namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya 
ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera 
at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang 
gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang 
pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana
niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam 
nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina. 
Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng 
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang
ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-
aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may 
pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang 
matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya 
niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.


Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, 
masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga 
"gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil 
sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.
Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng 
panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. 
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang 
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu- 
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa 
Tibag" ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ". 
Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon. 
Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina 
na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa 
kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na 
namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang 
ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghaatid ng 
mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik 
dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.
Si Narciso o si Narsing "tawag sa kanya ng mga tao" ay nakapagtapos ng 
haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa 
kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa 
library pa ng bayan nagbabasa't humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik 
dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang 
gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde. 
Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang 
naipon sa paglalaba't pinagbilhan ng ilang upo't talagang inilalaan nila para sa 
susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang 
tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang 
makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa 
paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya 
ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit parating may nakasabit na " No Vacancy at Walang Bakante ". Hindi lamang siya ang 
nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos 
ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng 
mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng 
mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya 
ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya 
nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa 
kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang 
bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang 
sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang 
sila'y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama't ina niya sa 
kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano 
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap 
maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng 
kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap 
buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at 
malakas at pahingal na sagot "Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging 
agwador " pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong 
kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal 
siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang 
isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama, 
sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang 
ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa 
Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya 
sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde 
at ito'y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay 
nahilo ang matanda ang iba nama'y wala raw sa isip niya ang ginagawa. 
Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawanat 
pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang 
kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at 
pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman 
ng taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang, 
maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi 
pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa 
kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid
ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador "
Binyagan si Narsing " at may nangahas na nagsaboy ng tubig.

Ang akdang ito ay iniulat ng pangkat 3.Nagpapakita ito ng kultura noon kung saan namamana ng anak ang trabaho ng kanilang magulang.Dahil sa akdang ito,natutunan ko na hindi natin dapat ikahiya an gating trabaho lalo na kung ito ay marangal at nagbubuhay sa atin o sa ating pamilya.

Aralin 2


Aralin 2
“Banyaga”
Ni: Liwayway Arceo
Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok
Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-
toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"
"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"
Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"
"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..."
"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."
"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."
"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.
"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'
"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."
"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."
"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.



Aralin 4


ARAlin 1
“Himala”
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/6/63/Himala_FilmPoster.jpeg/220px-Himala_FilmPoster.jpeg

Sa ikaapat na aralin , pinag-aralan naming ang akdang “Himala” ni Ricky Lee. 

EXT. KALSADA. HAPON.

Tuluyan nang tatakpan ng buwan ang araw at magdidilim sa kalsada. Tarantang magtatakbuhan ang mga tao habang nakatingala sa langit. Isang matandang babae ang takot na takot na mapapaupo sa tabi ng kalsada at magdarasal. Kakahot ang mga aso.

MATANDANG BABAE
Diyos ko po, gunaw na yata!

Mula sa pagbabantay sa tindaha'y sisigawan ni Lucio, 33, ang babae.

LUCIO
Hindi ho, eclipse lang ho 'yan!

Walang damdamin sa mukhang pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang naglalakad. Mahigit beinte si Elsa, mallit lang, katulong sa malaking bahay. Ang lugar ay Cupang, isang baryo sa Pillpinas na mataga! na panahon ding hindi dinaratnan ng ulan, nagbibitak ang mga kalsada't natutuyo ang mga pananim.

Sa dilim ay makikita ni Elsa sina Lolo Hugo, Bella, at Pilo. Bulag si Lolo Hugo, akay akay ng pamangking si Bella. Maganda sl Bella, inosente. Si Pilo, magsasaka, ay may 25 na.

LOLO HUGO
Bakit, anong nangyayari?

BELLA
Naku, Tiyong, umuwi na tayo, natatakot ako!

PILO
(kay Bella). Ikaw kasi e, ayaw mo pa akong sagutin. Ikaw rin, baka matapos na ang mundo. Maglalakad si Elsa at makakasalu- bong si Sepa, asawa ng magsasaka.

SEPA
Elsa, nakita mo ba sina Nestoy at Intong? Nasa eskuwelahan ba?

ELSA.
Hindi ko nakita.

Maglalakad palayo si Elsa. Magpapatuloy ng paghahanap si Sepa.


2. EXT. BUROL. HAPON.

Sa dilim ay mangangapa si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Madadapa siya. Babangon sana pero may maririnig na bulong.

BOSES NG BABAE
Elsa.

Mapapalingon si Elsa. Parang tumahimik ang lahat, nakikinig din. Nagtatakang tatayo si Elsa. Sa loob
ng ilang sandali'y wala siyang makikita. Hahakbang siya palapit sa tuyung-tuyo't walang dahong punongkahoy sa tuktok ng burol.

Noon niya makikita ang kung anuman 'yun. Parang nauupos na kandilang mapapaluhod siya at maninigas ang katawan, tatapon ang ulo papunta sa likod habang nakatingalang parang mababakli ang leeg, hindi kumukurap ang mgs mata, sa dilim ay nagniningning an$ mukhang akala mo'y sinisikatan ng araw.


3. INT. SALA. BAHAY NINA ELSA
GABI.

Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Saaltar ay may nakasinding kandila sa imahen ng Birhen.

ALING SALING
Munting kumibot ang lupa'y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman naniniwala pa rin silang ang lugar na (to'y isinumpa. Sabagay naniwala din ako n'ong una pero "gayon, ewan ko. Baka me mga lugar talagang bihirang datnan ng ulan. Hoy, EIsa, nakikinig ka

ELSA 
Opo. 

AUNG SALING
Lagi kang wafa sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Hang taon ka na ba?

ELSA
Beinte-kuwatro po.

ALING SALING
Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na.

ELSA
Wala naman pong nanliligaw sa'kin e. 

ALING SALING
Me anak 'yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa.

ELSA 
Inay, me ipagtatapat po ako sa Inyo.
ALING SAUNG
Baka sabihin nila'y mag-ina tayong matandang dalaga. Di Rita inampon para gumaya lang sa'kin.

ELSA
Nakita ko po ang Mahal na Birhen.

Mapapatingin si Aling Saling.

ELSA
Sa burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya at saka nawala.

Mapupuno ng ligalig at pag-aalala ang mukha ni Aling Saling.

ELSA
(manlulumo). Ayaw po kayong maniwala sa akin?

Bubuntunghininga si Aling Saling.

4. INT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Muling babagsak ang pamalong hawak-hawak ng arbularyo. Tatama sa nakahybad na likod ni Elsang nakadapa sa katre. Sa halip mapangfwi sa sakit ay titigas ang mukha niya.

Nag-aalalang nakatingin sa tab) si Aling Saling, akala mo'y siya ang pinapalo. Hindi makatingin si Chayong, kaibigan ni Elsa. Nakatayo iang si Mrs. Aiba, amo ni Elsa.

Muling hahataw ang pamalo. Lalong titigas ang mukha ni Elsa. Humihingal na titigil ang arbularyo.

ARBULARYO
(kay Aling Saling). Talagang matigas ang espiritu. Kailangan pa nating maghintay nang ilang araw. Tsaka n'yo na Iang siya ibalik sa'kin.

Lalapit ang kamera sa mukha ng nakadapang si Elsa. Naroroon pa rin ang tigas.

5. EXT. BUROL UMAGA.

Kakanta-kantang papunta si Baldo sa bukid. Mapapatigil. Makikita si Elsa sa burol, nakaluhod sa harap ng tuyong punongkahoy, naninigas ang nakatapong ulo sa likod, walang kagalaw-galaw.

Humuhugong ang hangin.

Nagtatakang lalapit si Baldo at mabibigia.

May sugat sa magkabilang bisig si Elsa pero parang walang nararamdamang sakit.

BALDO
Elsa? Elsa?

Di gagalaw si Elsa. Yuyugyugin ni Baldo sa mga balikat.

BALDO
Elsa!

Matagal bago magmumulat ng mga mata si Elsa. Pero parang wala pa ring nakikita. Bubukas ang mga kamay niya. May sugat siya sa mga palad.

6. EXT/INT. KUMBENTO. GABI

Sa labas ng kumbento'y palakad-lakad na naghihintay sina Baldo, Aling Saling, Mrs- Alba at Chayong. Pabulong na nagrorosaryo si Chayong.

MRS. ALBA
Kaya pala lagi siyang malilimutin ngayon.

CUT TO:

Sa loob ng silid ay nakaupong magkaharap sina Elsa at ang pari. Parang inquisition ang nangyayari. Walang simpatiya ang pari kay Elsa.

Matatag at walang damdamin si Elsa. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ng nakatayong imahen ng Birhen.
Hindi tumitingin dito si Elsa.

PARI
Kung minsa'y nagpapanggap ang demonyo. Nakikilala siya tatlong persona.

Di kikibo si Elsa. 

PARI
(ituturo ang imahen). Ganito ba ang nakita mo?

ELSA
Opo. Pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.

PARI
Me baril na ba noong unang panahon?

ELSA
Ewan ko po

PARI
E papaano mo nakita e may eclipse?

ELSA
May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Para po siyang nabibihisan ng araw.

PAR1
Nakausap mo siya?

ELSA
Noong una po'y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero n'rtong huli'y nagsasalita na siya.

PAR1
Bakit daw siya umiiyak?

ELSA
Sabi po niya'y di mo ako mapapangiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao.

PAR1
Sa kanya mo ba nakuha ang mga sugat mo?

ELSA
Ewan ko po pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito, isang araw ay mawawala ang sumpa.

PAR1
Naniniwala ka na isinumpa ang baryong ito?

ELSA
lyan po ang kuwento ng matatanda. (titigil, mapapatingala sa imahen). At ang sabi din po niya, darating daw po ang araw at lalapit daw po sa akin lahat ng may sakit at manggagamot daw po ako. Hindi lang daw po sugat ng katawan kundi pati 'yung sagot ng mga kaluluwa.

PARI
Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. Di sasagot si Elsa.

PARI
At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba.

ELSA
Lagi naman po niyang ginagawa 'yun e.

PAR1
May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa?

ELSA 
(titingin nang tuwid sa pan). Di nagbubulaan, naniniwala sa mga milagro. Ang Panginoong Diyos ay hindi
gagawa ng milagro para lang mapagtakpan ang pagkukulang sa pananampalataya ng mga tao.

ELSA
Totoo po ang nakita ko.

7. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. GABI.

Sa sahig ay nakahiga na para matulog si Elsa. Nakaupo sa tabi ang nag-aalalang si Aling Saling.

ALING SALING
Baka pagtawanan ka ng mga tao. Kung anu-ano kasing iniisip mo. Baka matanggal tayo sa trabaho kay Mrs. Alba. Mahlrap lang tayp, Elsa. Baka madagdagan pa ang problema natin.

ELSA
Totoo po ang sinasabi ko, Inay.

ALING SALING
Nagsisisi ako. Pinabayaan kita n'ong maliit ka pa. Kung anu-anong mga kuwento ang iniimbento mo noon, na
pinaniniwalaan ko. Minsa'y sinabi mong me kalaro kang anghel. Gusto kitang pigilan noon pero lungkot nalungkot ka. Lagi kang kinakantiyawang putok sa buho ng mga kalaro mo. Napulot iang daw kita sa burol. Inampon lang daw kita dahil tumatandang dalaga ako't kailangan ko ng libangan. Lagi kang nag-iisa. Kaya pinayagan kita sa mga laro mo. Sabi ko'y bata ka pa, lilipas din. At lumipas nga. Hanggang kahapon. Akala ko'y lumipas na.

8. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. MADALING ARAW.

Magigising si Aling Saling. Mapapansing wala si Elsa sa higaan. Mapapabalikwas ng bangon.

9. EXT. KALSADA. UMAGA.

Sagsag sa kalsada sina Aling Saling, Chayong, at Baldo.

CHAYONG
Baka ho nasa burol.

10. EXT. BUROL. UMAGA.

Mapapatigil sina Aling Saling, Chayong at Baldo. Nakaluhod si Elsa sa harap ng punongkahoy na pinagpakitaan sa kanya ng Birhen. Mapapatingin ito sa kanila, walang damdamin sa mukha. Susugurin nila ito at mapapatigil sila sa pagtataka. Wala na ang rnga sugat sa katawan ni Elsa.

CHAYONG
Susmaryosep!

TAGABARYO
(off-camera). Baldo! Baido!

Tumatakbong lalapit ang isang tagabaryo.

TAGABARYO
Baldo, 'yung bisita mong taga-Maynila, 'yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na daw siya!

Magkakatinginan sina Chayong, Baldo, at Aling Saling. Parang hinigop na mapapaluhod si Chayong sa harap ni Elsa. Mapapatingin lang sa kanya si Elsa. Di malaman ni Baldo kung aalis para tingnan ang kaibigan niya, o luiuhod kay Elsa. Mapapaluhod siya sabay kabig paluhod din sa tagabaryo.

Maiiwang mag-isang nakatayo sl Aling Saling. Naglalaban sa mukha ang iniisip at nararamdaman. Mapapatingin sa kanya si Elsa. Bubukas ang bibig ni Aling Saling at may lalabas na tunog na di maintindihan. Habang nagtatalo pa rin sa mukha ang halu-halong damdamin ng pagtataka, pagkapahiya't pagmamahal sa anak ay mapapaluhod na rin siya. Walang damdaming nakatutok lang ang mga mata ni Elsa sa mga nakaluhod sa kanyang harapan.

11. EXT. TINDAHAN
NI LUCIO. HAPON.

Naghuhuntahan Lucio, mga MIalaking tagabaryo't isang matandang babae.

LUCIO
E ‘yang si Baldo dating sepulturero ‘yan kaya mahilig magpapaniwala sa mga himala.

LALAKI 1 
Di na raw sumusumpong ang sakit niya sa atay e. 

LALAKI 2 
At amoy sampagfta na daw ang buong kabahayan nina Elsa! 

LALAKI 3
E sobra na kasi ang kasalanan ng tao kaya nakikialam na ang Birhen!

MATANDANG BABAE
Baka mawala na ang sumpa sa Cupang. Magdodoble ang mga ani natin!

LUCIO
Paanong magdodoble 'yan e di umuulan! (mapapansin ang paring nagdaraan). Aba, si Padre, Padre, daan ho muna kayo!

PARI
(lalapit). Magandang hapon sa inyong lahat.

LUCIO
Padre, anong palagay n'yo sa himala?

PAR!
Aba'y kailangang hintayin natin ang pasiya ng ating Obispo. Samantala'y hindi puwedeng kunsintlhin ng simbahan ang mga nangyayari. Magkakatinginan sina Lucio.

LUCIO
Tama.

12. INT. SAUL BAHAY NINA
ELSA. UMAGA.

Itataas nl Elsa ang mga kamay at marahang hahagurin ang mga mata ni Lolo Hugo. Umaasang nakatlngin sina Bella, Chayong, Aling Sating, Sepa at Baldo. Ginagaya nl Chayong bawat galaw ng kamay ni Elsa.

13. INT. SALA. BAHAY NINA
ELSA. UMAGA.

Katatapos lang nllang blhisan nang puting-puti si Elsa.

CHAYONG
Kasya pala sa'yo. Damit 'yan ng pinsan kong nagmadre.

Lalakad sila para umalis. Sa altar, ang imahen ng Birhen ay may nakasabit nang mga bulaklak at nakaslnding kandila.

14. EXT. KALSADA. UMAGA.

Para silang munting pruslsyon sa kalsada. Si Elsa kasunod sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Daraan sa tapat ng tindahan ni Lucio. Papaswitan slla nito.

LUCIO
Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa'yo ang Mahal na Birhen at pagkalooban ka ng asawa!

Hindi siya papansfnin nina Baldo.

15. EXT. BUROL UMAGA.

Muia sa point of view ng burd ay maliliit na hugis sina Elsa, Aling Saling, Baldo, Chayong at Sepa paakyaL Marirlnig ang Hang boses.

NESTOY
Baka ditol Baka nagtatago lang dito! 0 baka naman d'yan sa kabilang puno!

INTONG
H'wag kang malngay! Baka matakot lumabas!

Makikita sina Igmeng Bugaw, Nestoy, Intong at isa pang bata, inlinspeksiyon ang punongkahoy na
nllalabasan ng Birhen. May dala-dala pang flashlight s) Igmeng Bugaw.

SEPA
Anong ginagawa n'yo d'yan! (susugod)

NESTOY 
(lalaplt).Tinltingnanlangpo namlnkungsaanlumalabas 'yung Birhen! 

SEPA 
(mapapanguros).Mgawalang sampalataya! Halikayo ntol 

BALDO 
KaUangang pabakuran natin ang lugar na 'to at nang di inuusyosol 

Luluhod para magdasal sina Aling Saling. Chayong, Sepa at Baldo. Mapapatlngin sa kanila si Igmeng Bugaw. saka parang di kasaling 

16. EXT. BAHAY NINA ELSA. 

Nakatlngin lahat sina Mrs. Alba, Aling Saling, Sepa. Chayong, Baldo, Hang deboto at pasyente mula sa Cupangatkalaptt-baryo. Isang pasyente ang ihaharap ni Baldo kay Elsa. 

ELSA 
Anong nararamdaman n'yo? 

PASYENTE 
Naipten ako ng ugat sa leeg. 

MamasahehinniBsaangleegng pasyente. Patuloy na pinag-aaralan j at ginagaya ni Chayong bawat gawin ni Elsa. May naglalaro sa isipan ni Mrs. Alba habang nag-oobserba-Dudungawsiyasa labas at makikita ang nagdaratingang marami pang pasyente. 

HihHahin ni Mrs. Alba sl Aling Saling j sa kabBang kuwarto at bubulungan. 

MRS.ALBA 
Saling. mask! dl mo na mabayaran ang utang mo sa’kin.

Hindi mo na rin kaHangang manllbihan sa'kln.

Magtataka si Aiing Saling.

MRS.ALBA
(aabutan ng pera sl Aling Saling). Eto. Tanggapin mo. Sige, kunin mo, kunin mo.

Babaling sa sala sl Mrs. Alba at tatawag.

MRS.ALBA
Chayong... Ikaw... Baldo...Sepa!

Lalapit ang mga tinawag.

MRS.ALBA
KaHangang mag-organisa tayo. Ang magiging trabaho natin ay tulungan at bantayan si Elsa. Maraming magpapanQgap dlyan pero mga alagad ng demonyo. Kagaya nlyang sl Igmeng Bugaw.

17. INT. KAPILYA. UMAGA.
Nagsesermon ang pari.

PARI
Saan ba nanggagalhg ang mga himala? Nahuhugot ba Ito sa hangln. Iblnibigay ba Ito sa atln ng Dlyos, o produkto lamang ng atlng mga guni-guril?

Kokonti ang nagsisimba-mga hikahos at nakatangang mukha.

PARI
Ang Dlyos ba ay mapagparusang laging naghihiganti sa atin tuwing tayo'y nagkakamali? siya ba'y isang multo lamang, aparisyon o Busyon? Maraming katanungan sa'ting dibdib.

Patatahimikin ng ina ang pinapasusong anak.

PARI
Ano ang mangyayari kung maglging napakadall ng mga himala? Magugulo ang kaayusan. Mask! sino ay maaaring magsabing sugo siya ng atlng Panginoong Diyos. Sa halip na magbukas ng ating mga mata, ang relihiyon ay magsisllbing tagabulag.

18. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Kakawala sa pagkakahallk nl Pilo si Chayong at humihingal na babangon. Nasa llalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy.

CHAYONG
H'wag, Pilo! Natatakot ako.

PILO
Ba't ka matatakot, ako lang 'to. DI ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo!

CHAYONG
Alam mo namang gusto kong malinis ako bago tayo makasal. 'Yun lang ang maiblbigay ko sa'yo.

PILO
(piiit uling yayakapin si Chayong). Ngayonmona ibigay, Chayong.

CHAYONG
(liwas). Ba't ba ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriends a.

PILO
Wala naman a! (muling magtatangkang hagkan si Chayong). SIge na, Chayong...

CHAYONG
H'wag, Pilo... h'wag!

Hinahabol ang hiningang makakawala si Chayong at tatayo.

CHAYONG
Talaga namang marami kang girlfriends a. Pat! nga si Bsa nlllgawan mo n'on!

PILO
Lahat ng babae kaya kong llgawan, pero sl Elsa hindi.

CHAYONG
BakR?

PILO
Ewan ko. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo pakakasal?

CHAYONG
Nakausap ko na si Elsa, Pito.

PILO
(mawawalan ng gana). Lahat ba namang gagawin mo'y ikinukunsulta mo pa ke Elsa?

CHAYONG
Alam niya ang lahat.

PILO
Ano siya, salamangkero?

CHAYONG
Natatakot akong pakasal, PHo. Baka di ko maibigay sa'yo ang gusto mo.

PILO
Tuturuan kita. Magtatangka uli sl Pllong yakapin si Chayong pero tuluyang liwas at aalls Ito. Maiiwan sl Pilo.

Pinagkunan : http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=293416

Iniugnay naming ang akdang ito sa kantang “Himala” ng Rivermaya.

“Himala”
By:Rivermaya

Pangarap ko’y
Makita kang
Naglalaro sa buwan

Inalay mo
Sa akin ang
Gabing walang hangganan

(Hindi mahanap/’di mahagilap) sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap (na lang/sa buwan)

Himala
Kasalanan bang
Humungi ako sa langit ng
Isang himala?
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?

Pangarap ko’y
Makita ang
Liwanag ng umaga

Naglalambing
Sa iyong mga mata

More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/r/rivermaya/

Nagkaroon kami ng mga pangkatan at isahang gawain upang lubos naming maintindihan ang akda.

Linggo, Enero 13, 2013

ARALIN 7


aralin 7
http://www.pcij.org/stories/2005/farmer.jpg
Pinagkunan : http://www.google.com.ph/imgres?um=1&hl=fil&sa=N&tbo=d&biw=1280&bih=933&tbm=isch&tbnid=FFuRXdVw432yCM:&imgrefurl=http://kalisnglawin.blogspot.com/2008_05_01_archive.html&docid=nZOvwznXm0ORxM&imgurl=http://www.pcij.org/stories/2005/farmer.jpg&w=300&h=208&ei=XHLyUJ_aCqjAiQe25oCQAQ&zoom=1&iact=hc&vpx=218&vpy=144&dur=4481&hovh=166&hovw=240&tx=112&ty=112&sig=103311390474735458840&page=1&tbnh=146&tbnw=209&start=0&ndsp=37&ved=1t:429,r:2,s:0,i:84
“Tata Selo”
ni Rogelio R. Sikat 
          Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
          Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
          “Totoo ba, Tata Selo?”
          “Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
          Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
          “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.”
          Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
          “Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
          Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
          “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”
          Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
          Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
          “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
          Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
          “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
          Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
          “Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
          “Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
          Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

          “Patay po ba?”
          Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
          “Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
          Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
          Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
          Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
          “Patay po ba? Saan po ang taga?”
          Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
          “Saan po tinamaan?”
          “Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
          “Lintik na matanda!”
          Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
          “Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
          Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
          “Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
          Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
          “Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
          “Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
          Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
          “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
          “Saan mo tinaga ang kabesa?”
          Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
          “Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
          “Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
          “Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
          Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
          “Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
          Hindi sumagot si Tata Selo.
          “Tinatanong ka,” anang hepe.
          Lumunok si Tata Selo.
          “Umuwi na po si Saling, Presidente.”
          “Kailan?”
          “Kamakalawa po ng umaga.”
          “Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
          “Tatlong buwan na po.”
          “Bakit siya umuwi?”
          Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
          “May sakit po siya?”
          Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
          “Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
          “Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
          Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
          “Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
          Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
          “Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
          Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
          “Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
          Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
          “Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
          Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
          “Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
          “Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
          May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
          Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
          Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
          Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
          “Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
          Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
          “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na.  Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”
          “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
          “Ang anak, dumating daw?”
          “Naki-mayor.”
          Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
          “Tata Selo...Tata Selo...”
          Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
          Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
          Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
          “Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
          Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
          Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...
Pinagkunan: http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/4/Tata-Selo