Huwebes, Enero 3, 2013

Dear Diary


Dear Diary,
12-17-12
  Unang  araw ng “PAMANA” , maaga akong naghanda ng gagamitin ko,pagdating sa aming paaralan ang karamihan sa aming mga kakanta ay kinakabahan , hindi kasi naming alam kung magiging maganda ang kalalabasan nung palabas pero pagkatapos masaya naman dahil naging maayos at masaya ito.

12-18-12
 Pangalawang araw na nung nasabing palabas.Hindi na kami ganong kinakabahan alam na kasi naming yung magiging kinalabasan nito ngunit ikinagulat naming nung pinakanta kami ng aming punongguro,kinanta namin yung kantang ipinanalo naming nung lumaban kami ng
Division masaya pa rin kasi ipinagmamalaki kami n gaming pungguro.

12-19-12
 Huling araw ng aming pagtatanghal, Masaya kaming lahat kasi pwede na ulit kaming kumain ng mga malalamig na pagkain at pwede na rin kaming sumigaw,bago palang kasi ganapin ang palabas maraming mga ipinagbawal sa amin.Ito yung masasabi kong pinakamasayang araw kumpara sa dalawang araw na nauna dahil unang beses naming nakita an gaming punong guro na sumayaw.

12-20-12
 Tanghali na ako nagising,napagod kasi ako ng sobra.Hindi na ako sumama sa aming Christmas party dahil ngayon na kailangang ipasa yung proyekto namin sa chemistry na hindi ko pa nagagawa.Magtatanghali nang pumunta ako sa aming paaralan upang ibalik yung mga gamit na sinuot naming nung nagtanghal kami pagkatapos ginawa na naming malapit sa aming paaralan yung proyektong iyon.Yun na yata ang masasabi kong pinakamahirap na proyekto buti nalang at may nakita kaming kamag-aral naming na kakatapos lang gawin iyon at nakigrupo kami sa kanya.Pumunta ulit kami sa aming paaralan at buti na lamang ay hindi pa umaalis ang gurong pagpapasahan naming ang aming proyekto.

12-21-12
 Pinakakinatatakutang araw ng karamihan,ngayon daw kasi yung katapusan ng mundo.Madaling araw kami nang nagising dahil pupunta kami sa Makati,doon naming ipagdidiwang ang aming pasko,medyo natatakot ako naiisip ko kasi na baka abutan kami ng pagguho ng mundo sa biyahe pero hindi naman pala totoo.Wala kaming ginawa kundi hintayin kung totoo ba ito o hindi.

12-22-12
 Itong araw na ito ang masasabing araw ng aking pahinga, masyado kasi akong napagod nung mga nakaraang araw kaya puro kain at tulog lang ginawa ko buong maghapon.

12-23-12
 Kaarawan ng aking kapatid at binyag ng kaisa-isang pinsan ko sa parte ng papa ko.Maaga kami gumising upang maghanda ng mga gagamitin para sa binyag,medyo nakakapagod din.

12-24-12
 Bukas PASKO NA!,Tanghali ulit nagising pagkatapos aalis na naman para pumunta kaya Lola Ema.Sobrang napapagod na talaga ako,lagi nalang kasing umaalis.

12-25-12
 PASKO NA! Alis ulit para pumunta sa ibang kamag anak namin kahit napapagod masaya naman kasi minsan lang naman ito tapos .Ngayon din yung alis nila tita papuntang Ormoc Leyte.

12-26-12
 Kailangan kong magpahinga ng sobra,talagang napagod ako sa kakagala.Puro tulog lang yung ginawa ko ngayong araw ang sakit din kasi ng ulo ko eh.

12-27-12
 Isang masayang araw.Kaarawan ng isang pinsan ko kung kaya’t nagdiwang kami sa isang kilalang kainan.Sobrang saya kasi ngayon lang kami ulit nagkasama buong pamilya.

12-28-12
 Nagpahinga lang ulit kami ngayong araw kinabukasan na kasi kami uuwi papuntang Antipolo.Pagdating ng gabi pumunta sa trabaho ni papa pagkatapos natulog lang din ulit.

12-29-12
 Madaling araw ulit kami umalis pauwing Antipolo baka daw kasi abutan kami ng traffic.Pagdating ng tanghali pumunta naman ako sa bahay ng matalik kong kaibigan upang ihatid yung regalo ko sa kanya .

12-30-12
 Isang madesisyong araw .Nakakainis kasi si papa ayaw pang pumayag na magbagong taon kami sa Las Pinas at lagi pang sinasabi na iwanan nalang daw naming siya buti nalang napapayag din naming siya pagdating ng hapon at inihanda na naming ang amga damit at gamit na gagamitin namin.Gabi kami bumiyahe papuntang Las Pinas.

12-31-12
 Tanghali na ako nagising puyat kasi kami sa biyahe .Pagkatapos kumain naligo agad ako,aalis kami ng aking pinsan ko papunta sa isang mall,Masaya kasi ngayon lang ulit kami magkakasama,pagka uwi natulog ulit para gising kami mamayang bagong taon.Ito yung hindi ko malilimutang araw,naputukan ako pero buti nalang at hindi malala, ito siguro yung paraan para hindi na ako magpaputok kaya nandoon nalang ako sa kwarto natakot na kasi ako.
01-01-13
 Bagong taon na..umalis ulit kami ng aking pinsan kasi ito na yung huling araw na magkakasama kami.Pag ka uwi naghanda na kami dahil ngayon kami uuwi sa Antipolo.Medyo matagal din yung biyahe kaya pagkauwi naming ng bahay ay kumain agad kami at natulog ,napagod kasi kaming lahat.

01-02-13
 Maaga ako nagising , kumain ako pagkatapos gumawa ng gawaing bahay,masama kasi yung pakiramdam ni mama , siguro dahil sa biyahe namin kahapon pero pagdating ng tanhali maayos na yung kalagayan ni mama.Pagdating ng gabi kasama ko si kuya sa computer shop at pagkauwi ay natulog na kami.

1 komento:

  1. Per day ang paglalagay ng journal hindi lahatan. Itutuloy pa ito hanggang Pebrero. Kailangayng magkakaibang post at magkakaibang pamagat. salamat! :)

    TumugonBurahin